-- Advertisements --
Natapos ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang profiling ng nasa 27,000 na mga manggagawang Pinoy na apektado ng pagbabawal na sa Philippine offshore gaming operations (Pogo).
Ayon kay Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ang kabuuang 26,996 ay mga POGO workers na mula sa National Capital Region, Calabarzon, Central Luzon at Central Visayas.
Galing umano ang mga ito sa 54 internet gaming licensee companies.
Ang nasabing hakbang ay para magawan ng ahensiya kung anong uring tulong ang maaaring maibigay nila.