-- Advertisements --

CAUAYAN CITY- Wala pang tugon ang IATF sa kahilingan ni Labor Silvestre Bello III na gawing 7 araw sa halip na sampung araw ang quarantine ng mga umuuwing OFWS na nabakunahan na kontra COVID-19.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na maraming OFWs ang dumadaing dahil sampung araw pa rin ang kanilang quarantine pagdating sa bansa.

Malaking kabawasan ito sa kanilang isang buwang bakasyon kaya makikiusap si kalihim bello sa IATF na gawing pitong araw na lamang ang araw ng quarantine g mga umuuwing OFWs.

Samantala,Sinabi pa ni Sec. Bello na umabot na sa 580,000 ang mga OFW na nakauwi na sa bansa habang mayroon pang 50,000 ang nakatakdang umuwi.