-- Advertisements --

Wala pa ring patid ang libreng legal na asistensya na ibinibigay ng Department of Labor and Employment sa mga manggagawang Pilipino.

Ito ay sa ilalim ng Public Assistance Complaints Unit ng naturang ahensya.

Ayon sa ahensya, as of April 2024, nakapagbigay sila ng libreng serbisyo sa 169 na walk-in clients.

Kabilang na rin dito ang abot sa 116 na mga katanungan sa telepono at halos isang libong mga inquiries sa kanilang email.

Employment at labor rights aniya ang kadalasan nilang natatangap na reklamo sa pamamagitan ng naturang mga communication channels.

Samantala, sinabi ng DOLE na layon ng inisyatibong ito na maging accessible sa mga manggagawang Pilipino ang kaukulang legal na assitensya.

Inaasahan rin sa pamamagitan nito ay matutulungan silang maintindihan ang kanilang mga karapatan bilang isang manggagawa.