Naglabas ng Labor Advisory si Department of Labor and Employment secretary Bienvenido Laguesma para sa mga employer sa mga pribadong sektor hinggil sa mga regulasyon ng pagpapasahod sa holiday season.
Sa ilalim ng Proclamation No. 90 for 2023, sa inisyung Labor Advisory No. 26 series of 2023, tinukoy na ang mga empleyadong magtatrabaho sa Disyembre 25 at Disyembre 30, ay tatanggap ng 200% ng kanilang sahod sa unang walong oras.
Ang mga empleyado namang hindi papasok sa mga nasabing petrsa ay makakakuha ng 100% ng kanilang sahod; kung sila ay nagtrabaho o naka Leave of Absence sa nakaraang araw.
Ang mga empleyado namang mag-oovertime sa mga nabanggit na petsa, ay tatanggap ng 30% ng kanilang sahod batay sa hourly rate sa naturang araw.
Kung ang isang regular holiday ay kasabay ng day-off ng empleyado, sila ay makakatanggap ng 30% na karagdagang sweldo sa kanilang basic wage, at 30% naman para sa overtime.
Sa mga empleyadong magtatrabaho sa special non-working day tulad sa December 31 kahit day-off nila ito, ay madadagdan ng 50% ang kanilang basic wage sa unang walong oras.
Ang mag-oovertime naman sa special non-working day ay may additional 30% sa kanilang hourly rate sa naturang araw.