Naglabas ng panuntunan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa tamang pasahod sa mga empleyado na papasok sa Nobyembre 1 na All-Saints’ Day at 2 na All-Souls Day na kapwa special non-working holidays.
Base sa Labor Advisory No. 29-2020 ang empleyado na hindi pumasok ay magiging epektibo ang “no work, no pay” principle.
Kapag pumasok naman ang empleyado ay dapat bayaran ito ng karagdagang 30 percent sa kaniyang arawang sahod sa loob ng walong oras.
Sakaling mag-overtime ay mababayaran ito ng karagdagang 30 percent sa kaniyang hourly rate.
Kung ang isang empleyado ay pumasok sa nabanggit na araw na nataon sa kaniyang day-off ay mababayaran ito ng 50 percent sa basic wage sa unang walong oras at karagdagang 30 percent sa bawat oras kapag lumagpas ng walong oras ang kaniyang pagtatrabaho.