-- Advertisements --
Nagpaalala ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga first-time jobseekers na samantalahin ang libreng pagkuha ng mga pre-employment documents.
Ayon sa DOLE na hindi na dapat maging sagabal ang kawalan ng budget para sa mga bagong graduate para makakuha ng mga kinakailangang dokumento.
Kinabibilangan ito ng mga birth and marriage certificates, transcript of records at iba pa.
Giit pa ng DOLE na mayroon ng batas na ito ay ang Republic Act (RA) 11261 o ang First Time Jobseekers Assistance Act kung saan hindi maniningil ang gobyerno sa mga first time jobseekers ng kanilang kailangang dokumento sa pag-apply.
Magugunitang naglunsad ng kaliwa’t-kanang job fair ang DOLE para maibsan ang problema sa job miss match o ang kawalan ng trabaho.