Nagbigay ng paalala ang Department of Labor and Employment sa publiko lalo na sa mga Pilipinong manggagawa hinggil sa banta ng ‘heat stress’ sa trabaho.
Mapanganib umano kasi ito sapagkat tuloy-tuloy pa rin hanggang sa ngayon ang nararanasang mainit na klima ng panahon sa Pilipinas.
Kung saan binalaanan ng naturang kagawaran ang mga nagtatrabaho sa kalagayan ng kanilang hanapbuhay dahil sa posible itong pagmulan ng sanhi sa pagkasakit ng isang empleyado.
Maari din umanong palalain nito ang comorbidity ng isang indibwal na kasalukuyang mayroong sakit sa puso, diabetes, hika at maging ang mental health ay apektado.
Dagdag pa rito, pinaalalahanan din ng Department of Labor and Employment ang mga trabahador na mag-ingat sa heat stress dahil isa ito sa pangunahin din dahilan ng pagkamatay ng isang trabahador.
Kaya naman payo ng kagawaran sa mga manggagawa at employers na seguraduhing mayroong ventilation sa mga workplaces na pinagtatrabahuan.