-- Advertisements --

Inatasan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang GMA Network na magbayad ng P890,000 bilang multa sa pagkamatay ng beteranong actor Eddie Garcia.

Ayon sa DOLE National Capital Region (NCR) nakitaan nila ng paglabag ang nasabing TV networks.

Unang nakita nila ay ang hindi pagsumite ng work accident o illness report sa loob ng 24 oras, pangalawa ang kawalan ng safety officer at ang kawalan din ng first aid personnel sa lugar kung saan isinasagawa ang shooting ng pelikula.

Iaapela naman ng GMA network ang nasabing desisyon sa opisina mismo ni DOLE Secretary Silvestre Bello.