-- Advertisements --

Pinahinto muna ng Department of Labor and  Employment ang trabaho sa Skyway extension project para bigyan daan ang imbestigasyon kasunod nang pagbagsak ng isang steel grider na ikinamatay ng isang katao at nag-iwan ng apat na sugatan.

Sinabi DOLE spokesperson Rolly Francia na sakop sa kautusan na inilabas ng DOLE-National Capital Region ang kahabaan ng proyekto, o mula Susana Heights sa Muntinlupa City hanggang Sucat sa Parañaque.

“Ang pagpapahinto po ng constrctution ay piinag-utos upang mabigyang daan ang imbestigasyon upang malaman kung may mga violation na nagawa o na-commit sa construction site at upang alamin din ano ang hawak na lisensya ng mga contractors at subcontractors at kung may paglabag sa labor and safety standards,” ani Franca.

Tatagal ang tigil-operasyon sa proyekto ng hanggang sa babawiin na ito ng regional office at hanggang sa matpaos ang imbestigasyon sa aksidente.