-- Advertisements --

Pinanindigan ng Labor department ang kanilang posisyon na maaaring pahabain ng mga employers ng isang taon ang floating status ng mga manggagawa.

Sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Santos Benavidez, nakasaad sa Department Order 215-2020, pinahihintulutan ang karagdagang anim na buwan para sa floating status dahil sa COVID-19 pandemic.

Binago ang pagpapatupad ng mga patakaran at regulasyon ng Labor Code ng Pilipinas, na unang nagpapahintulot ng maximum na anim na buwan na floating status bago maaaring kumuhang muli ang mga employer ng bagong empleyado.

Dagdag pa ni Benavidez, pabor sa mga manggagawa ang binago na IRR ng Labor Code.

Una nang sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na mayroong 500,000 mga manggagawa ang nag-apply para sa tulong sa ilalim ng programa ng TUPAD, ngunit hindi sila naserbisyuhan.

Nitong nakaraang buwan lamang, iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang bilang ng mga nawalan ng trabaho na 10% noong Hulyo, na katumbas ng 4.6 milyong mga walang trabaho na Pilipino.