Todo paliwanag si Labor Sec. Silvestre Bello III sa ginagawa nilang pagpapabagal sa pag-alis ng mga Pinoy construction workers upang maghanapbuhay sa ibayong dagat.
Sinabi ni Bello na ang pagpapabagal nila sa foreign deployment ng mga construction workers ng hanggang 90 porsiyento ay para ipabatid daw sa kanila na mas kailangan sila dito sa Pilipinas.
Kailangan din aniya ng bansa ang 800,000 hanggang 1-milyong mga skilled workers sa industriya ng konstruksyon para sa infrastructure projects sa ilalim ng “Build, Build, Build” Program ng pamahalaan.
Pinapaspasan na rin umano ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) ang training sa mga manggagawa upang mapunan ang kakulangan ng mga trabahador sa infrastructure project ng gobyerno.
Kaya naman, hinimok ng kalihim ang mga Pinoy workers na dito na lamang sa bansa magtrabaho sa halip na sa ibang lugar.
“There is a strong local jobs growth but vacancies are not filled either because of skilled workers going abroad or their skills do not match with the available jobs in the market. That’s why DOLE is working with concerned agencies to up-skill our workers and urge them to work locally,†wika ni Bello.