-- Advertisements --
Sisimulan ng wage board sa National Capital Regiona ang pag-reviews ng mga wage rates.
Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE) isasagawa ito sa darating na Mayo 16.
Ang nasabing hakbang ay bilang tugon sa naging kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr noong Labor Day sa lahat ng Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPB) na pag-aralan ang lahat ng mga minimum wages rates.
Sinabi naman ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma, mauuna dito muna sa NCR at susundan ng iba’t-ibang rehiyon sa bansa.
Dagdag pa nito na may 10 rehiyon aniya ang magsasagawa ng reviews sa buwa ng Hulyo at Agosto kaya tiyak na mayroong mga magandang developments.