-- Advertisements --

Suportado ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang maagang pagbabalik sa manggagawang Filipino sa China, Hong Kong at Macau.

Sinabi ni DOLE Secretary Silvestre Bello III, makikipag-ugnayan muna sila Department of Health para tignan kung ligtas ng makabalik ang mga manggagawa.

Kailangan pa aniya ng hanggang dalawang linggo na obserbasyon kung makabalik na sa normal at wala ng banta ang nCoV sa nabanggit na mga lugar.

Magugunitang nagpatupad ng temporary travel ban ang gobyerno sa mga nasabing mga bansa para hindi na lumala ang pagpasok ng mga dayuhan na nagtataglay ng nasabing virus.