-- Advertisements --
Tinutukoy na ng Department of Labor and Employment (DOLE) kung sino ang mga recruiters ng overseas Filipino workers na biktima ng human trafficking sa bansang Syria.
Ayon kay DOLE Sec. Silvestre Bello III, tiyak umanong mananagot ang naturang mga recruiters dahil sa sinapit ng naturang mga OFWs.
Tumanggi naman nang magbigay ng karagdagang komento si Bello dahil ang Department of Foreign Affairs ang humahawak sa isyu.
Una nang lumabas ang isang artikulo sa Washington Post kung saan hindi raw maganda ang naging trato ng mga tauhan ng Philippine Embassy sa Syria sa mga Pilipinong biktima ng trafficking.