-- Advertisements --
Kumpiyansa si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, na makakabawi na ang ilang mga negosyo at mababawasan ang pagtaas ng bilang ng mga walang trabaho sa bansa dahil sa pagluwag na sa ilang lugar sa bansa ng ipinapatupad na community quarantine.
Ayon sa kalihim na labis na naapektuhan ang maraming negosyo mula Marso hanggang Mayo dahil sa ipinatupad na lockdown.
Nagresulta ito ng maraming mga empleyado ang nawalan ng trabaho matapos na mapilitan ang ilang negosyo na magsara.
Nauna rito na umakyat sa 7.3 milyon na Filipino ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus pandemic.