-- Advertisements --
Tuluyan ng tinanggal ng gobyerno ng Pilipinas ang deployment ban sa Kuwait.
Ayon kay Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III, pumayag na kasi ang Kuwaiti government sa mga kondisyon na ipinanukala ng gobyerno ng Pilipinas.
Isa rito ang pagbibigay ng hustisya sa pinatay na Overseas Filipino worker na si Jeanelyn Villavende.
Pumayag din ang Kuwaiti government sa ilang kasunduan gaya ng pagbibigay ng isang araw na day-off ang mga OFW at papayagan silang humawak ng cellphone pagkatapos ng trabaho.
Hindi na rin papayagan ang mga employers na lumipat sa ibang mga amo ang mga ofw na walang abiso mula sa Philippine Labor Attache sa Kuwait.