-- Advertisements --

Kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III na sumakabilang-buhay na si Department of Labor and Employment Usec. Joji Aragon dahil sa komplikasyon sa COVID-19.

Ayon kay Bello, dakong alas-4:00 ng madaling araw kanina nang makatanggap ito ng text message mula sa anak ni Aragon na nagsasabing huminto raw ang tibok ng puso ng opisyal.

Halos isang buwan din aniyang nanatili sa ospital si Aragon.

“It is believed that she contracted the virus following a procedure she underwent in the second week of December last year,” saad naman ng DOLE sa isang pahayag.

Sa ngayon, inaayos na raw ang cremation ng DOLE official dahil namatay ito sa coronavirus.

Si Aragon ang DOLE undersecretary para sa Wages and Productivity, Legislative, Advocacy and Internal Auditing Cluster.