-- Advertisements --

DAVAO CITY – Aabot sa 2,576 na mga job seekers ang nagkaroon ng trabaho sa isinagawang dalawang araw na job fair sa isang mall sa Davao City.

Ang dalawang araw na Philippine Tourism Job Fair sa Abreeza Ayala Mall ang dinaluhan ng 42 na mga local employers na nag-aalok ng mga trabaho sa buong rehiyon onse kung saan 24 nito ang may kinalaman sa mga tourism establishments habang 18 naman ang sa allied services gaya ng call center at customer service.

Ayon kay Department of Tourism XI Regional Director Tanya Rabat-Tan, layunin ng isinagawang job fair na matulongan ang mga indibidwal na nawalan ng mga trabaho dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.

Sa kabilang banda, sinabi rin ni Atty. Jason P. Balais, OIC-Assistant Regional Director ng DOLE 11 na malaking tulong ang pagsasagawa ng job fair upang mabawasan ang unemployment rate sa rehiyon.

Sa kasalukuyan, aabot na lamang sa 2.9% ang mga walang trabaho sa region 11 kung saan mas mababa ito kung ikumpara noong nakaraang taon sa panahon ng pandemya.