-- Advertisements --

Hanggang sa ngayon walang natatanggap na report ang Department of Labor (DOLE) na may mga Filipinong OFW ang nasaktan sa nangyaring drone attack sa oil field sa Saudi Arabia.

Ayon kay Labor Secetary Labor Secretary Silvestre Bello III, walang iniulat ang PHL Embassy sa Riyadh hinggil dito.

Una ng sinabi ng DOLE na nakahanda ang Philippine government na i-evacuate ang nasa 50,000 OFWs na nagtatrabaho sa Kingdom of Saudi Arabia matapos ang pinakahuling pag-atake sa oil fields ng nasabing bansa.

“Wala pa pong nakarating na report sa amin na may kababayan tayong apektado ng nangyaring drone bombing sa Saudi Arabia,” wika ni Sec Bello.

Kinumpirma din ni Bello na sa ngayon bukas na ang bansang Russia para sa mga Filipinong household service worker.

Hindi naman nagtakda ng limitasyon ang Russia kung ilang Pinoy household workers ang kanilang ie-empleyo.