Sinuspendi na rin ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang dollar-peso trading at monetary operations ngayong araw ng Miyerkules kasunod ng suspensiyon ng pasok sa mga tanggapan ng gobyerno dahil sa bagyo at malawakang pagbaha na nararanasan sa bansa.
Ilang mga serbisyo naman ng BSP ay mananatiling operational.
Ang bultuhang cash deposits kabilang ang coins at unfit/CSA unmatched fit banknotes o salaping papel o polymer na marumi, may mantsa, o may labis na pagkalukot ay tatanggapin mula alas-9 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.
Ang malaking cash withdrawals naman ay maaaring iproseso mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon sa may Security Plant Complex.
Mananatiling operational naman ang Philippine Payment and Settlement system (PhilPaSS) Plus mula alas-9 ng umaga hanggang alas-5:45 ng hapon.