Pumalo sa $2.86 bilyon ang dolyar na ipinadala ng mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong buwan ng Abril.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bagamat mataas ito ng 3.1 percent noong nakaraang taon sa parehas ng buwan ay ito na ang pinakamababa sa 11 buwan.
Ang 3.1 percent na pagtaas aniya ay mula sa tatlong porsyentong pagtaas sa remittance na ipinadala ng mga land-based workers na may mahigit isang taon na kontrata katumbas ng mahigit $2.1 bilyon.
Ang sea and land-based na may mahigit isang taon na kontrata ay tumaas ng 3.6 percent sa $620-M.
Isa sa mga maaring nakikita ng BSP ng pagbaba ng OFW remittance sa mga susunod na buwan ay ang pagbagal ng ekonomiya sa US at ibang bansa na magdudulot din ng pagkawala ng trabaho ng ilang mga OFW.