-- Advertisements --

Tumaas ang dollar remittance mula sa ibang bansa nitong nakalipas na buwan ng Hulyo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang mga personal remittances mula sa Filipino na nasa ibang bansa ay tumaas ng 2.6 percent.

Naitala ang $3.167 billion noong Hulyo 2021 kumpara sa $3.085 bilyon noong Hulyo 2020.

Sa kabuuan aniya ay mayroong anim na porsiyento ang itinaas ng remittance mula Enero hanggang Hulyo 2021.

Aabot kasi sa $19.783 bilyon mula Jan-July 2021 kumpara sa $18.658 bilyon sa parehas na panahon noong 2020.

Mula sa land-based at sea-based workers ang may mataas na remittance at malaki rin ang tulong dito ang pagluluwag na ng mga bansa ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.