Bahagayang bumaba ang gross international reserves (GIR) ng Pilipinas sa pagtatapos ng buwan ng Enero 2020 batay sa preliminary data ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP)
Naitala ang GIR sa US$86.42 billion as of end-January 2020 mula sa end-December 2019 GIR level na US$87.84 billion.
Agad namang nilinaw ng BSP na ang month-on-month decline sa GIR level ay bunsod ng National Government’s foreign exchange withdrawal pangunahin na upang bayaran ang foreign exchange obligations.
Giit pa ng BSP bahagyang nabawi ito dahil sa net foreign exchange purchases sa mga foreign exchange operations at kinita sa mga investments sa ibang bansa.
Liban dito ang naturang GIR sa pagtatapos ng Enero ay kayang punan ang 7.6 months’ worth ng imports, goods, services at payments.
Katumbas din daw ito ng 5.3 beses ng short-term external debt kung pagbabasehan ang original maturity at apat namang beses kung ibabatay sa residual maturity.