-- Advertisements --

Bumandera ang mga singers na sina Dolly Parton, Lionel Richie, rapper Eminem at bandang Duran Duran sa mga listahan ng Rock & Roll Hall of Fame.

Kasama rin ang singer na sina Carly Simon, Beck at hip hop group na A Tribe Called Quest.

Ang nasabing mga singers ay unang beses na makasama sa nasabing listahan matapos ang 25 taon.

Sinabi ni John Sykes, ang chairman ng Rock and Roll of FAme Foundation na kanilang kinikilala ang grupo ng mga kakaibang artsi na nagkaroon ng impact sa kultura ng mga kabataan.

Noong nakaraang taon kasi ay napili sina Tina Turner, rapper na si Jay-Z at female pop group na The Go-Go’s ang napili para sa inductions ng Rock & Roll Hall of Fame.