-- Advertisements --

Naghahanap ngayon ang beteranang singer na si Dolly Parton na gaganap bilang siya sa nalalapit niyang Broadway show.

Sa inilabas niyang video, ay hinikayat niya ang mga fans, lalo na ang mga gumagaya sa kaniya na subukan ang mag-audition.

Nakatakda kasing ilunsad ang “Dolly: ang Original Musical” sa mga susunod na buwan.

Dagdag pa ng 78-anyos na singer na ang nasabing show ay bilang pagdiriwang ng kaniyang musika, buhay at mga taong nakasalamuha niya.

Ayon naman sa organizers na naghahanap sila ng anumang edad na gaganap bilang si Parton mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa kasalukuyang edad nito.