-- Advertisements --

Ipagpatuloy ni bagong environment and natural resources Sec. Jim Sapulna ang dolomite beach project sa ilalim ng kanyang termino.

Sinabi ni Sapulna na ito ay isang pangako kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Aniya, nakita na natin ngayon ang ganda ng Manila Bay.

Nasa 500-600 meters na lang ng Manila Bay ang hindi pa nalalatag ng dolomite sand kung kaya ay balak nitong ipagpatuloy ang proyekto.

Nauna nang sinabi ni Duterte sa kanyang huling State of the Nation Address na magpapatuloy ang gobyerno sa paglalagay ng dolomite beach, sa kabila ng mga alalahanin ng mga eksperto sa kapaligiran at kalusugan sa kaligtasan nito.

Nauna nang nagbabala ang departamento ng kalusugan na ang durog na dolomite ay maaaring magdulot ng mga problema sa paghinga, lalo na kapag nilalanghap.

Ang beach ay bukas mula noong Disyembre, na may mga protocol na inilagay dahil sa pandemya ng coronavirus disease (COVID-19).

Pinalitan ni Sampulna si Roy Cimatu, na nagbitiw noong nakaraang linggo dahil sa mga medical reason.

Magpapatuloy din ang mga proyektong rehabilitasyon sa Boracay beach at patuloy siya na susuporta sa pagbabawal sa mga single-use plastics.

Ipinagtanggol din niya ang hakbang na alisin ang 4 na taong pagbabawal na itinakda ng administrasyon sa open-pit mining, at idinagdag na may mga nakatakdang hakbang sa batas na kumokontrol dito.