-- Advertisements --
Hindi umano kasama sa panukalang budget ng Manila Bay rehabilitation ang paglalagay ng dolomite sand.
Sinabi ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Undersecretary Jonas Leones na ang P1.6 billion na proposed budget ay para sa iba’t ibang rehabilitation program ng ahensiya.
Kinabibilangan ito ng paglilinis ng ilog, esteros, pagsagawa ng treatment plants at pagtanggal sa mga water lily sa probinsiya ng Laguna at Rizal.
Ang budget aniya ng dolomite sand para sa Manila Bay ay nailabas na noon pang 2020 at 2019 budget.
Magugunitang umani ng batikos ang paglalagay ng DENR ng dolomite sand sa bahagi ng Manila Bay kung saan ito ay aniya ay pagsasayang ng pera dahil nawawala lamang ito tuwing may mga bagyong dumaraan sa bansa.