-- Advertisements --
Bumabalik na sa pre-pandemic levels ang dami ng domestic flights.
Ayon kay Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal, nasa 80% level na ngayon ng pre-pandemic figures ang naitatala sa domestic travel.
Mas lalo pa itong dadami sa panahon ng Semana Santa.
Handa na rin naman aniya sila sa pagtaas ng bilang ng mga biyahero sa NAIA para sa nasabing buhos ng mga pasahero.
Giit ni Monreal na mahigpit pa rin nilang ipapatupad ang health protocols kontra COVID-19, upang maiwasan ang hawaan sa paliparan.