-- Advertisements --
image 4

Aminado ang Philippine Carabao Center(PCC) na napakababa ng milk production sa buong bansa.

Ayon kay PCC Executive Director Caro Salces, umaabot lamang sa 1% ang milk sufficiency sa buong bansa. Mula sa 1% na ito, 35% ang kontribusyon ng carabao dairy.

Ayon kay Salces, maraming hamon ang kinakaharap ng nasabing industriya, kabilang na dito ang kulang na milk processing facilities, mahinang farm-to-market roads, at mahinang marketing strategies.

Batay sa datus ng National Dairy Authority, tumaas ng 15% ang produksyon ng gatas nitong 2022 sa 30.28million kgs mula sa 26.30million kgs noong 2021.

Batay pa rin sa datus, ang milk production ng bansa ay nanggaling mula sa 71,819 heads ng mga dairy animals, na tumaas rin mula sa dating 69,616 heads noong 2021.

Sa kasalukuyan, malaking porsyento ng dairy products sa bansa ay imported na umabot pa sa 595.64million kgs noong 2022.

Regular din ang pagtaas ng import volume ng bansa kung saan umabot pa sa 13.6% ang iniangat ng biniling gatas sa abroad noong 2022 mula noong 2021.