Luluwagan na ng Malaysia ang ilan sa mga umiiral na coronavirus restrictions simula Miyerkules, Hunyo 10, kung saan papayagan na ang social, economic at religious activities.
Inanunsyo din ni Prime Minister Muhyiddin Yassin na papayagan ang domestic travel at small-scale social activities maging ang unti-unting pagbubukas ng mga eskwelahan na nasa ilalim ng “recovery movement control order” o RMCO.
“Health Ministry statistics show that the rate of infection has been dropping and is under control,” wika ng prime minister sa isinagawang address broadcast nito.
Anim na linggo na ang nakalilipas nang luwagan ng Malaysian government ang movement control order (MCO) na naging sanhi upang maparalisa ang ekonomiya ng nasabing bansa.
Sinubukan din nito na muling buhayin ang commercial activity sa kabila ng patuloy na pagtaas ng unemployment rate sa bansa.
Papayagan na tin na magbukas ang ilang negosyo sa bansa subalit kinakailangan ng mga ito na ipatupad ang social distancing habang mananatiling sarado ang mga eskwelahan at ipagbabawal pa rin ang malalaking pagpupulong-pulong at inter-state travel.
Hindi rin muna papayagan ang mga non-contact sports bukod sa water sports.