-- Advertisements --

DAVAO CITY – Muling niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Don Marcelino Davao Occidental pasado alas nuebe ng gabi ng Linggo.

Ayon sa Philippine Volcanology and Seismology (Philvocs) may lalim ang nasabing pagyanig na 172 kilometros sa silangang bahagi ng nasabing lalawigan at tectonic ang origin nito.

Nasa Intensity III ang General Santos City; Alabel, Sarangani; Intensity II ang Mati City; Glan at Malapatan, Sarangani; Don Marcelino, Davao Occidental; Kiblawan at Sta. Cruz, Davao del Sur.

Samantalang sa Instrumental Intensity nasa Intensity III ang Alabel, Sarangani.

Wala umanong aasahan na pinsala ang pagyanig ngunit mararanasan pa rin ang aftershock.