-- Advertisements --

Inamin ng Pinoy boxing champion na si Nonito “The Filipino Flash” Donaire na maging siya ay nasopresa sa ginawa ni Manny Pacquiao sa first round kay Keith Thurman.

Tinawag ito ni Donaire na “flash knockdown” na nagbigay umano ng momentum kay Pacman.

Sa kalagitnan umano ng bakbakan ay medyo nakabawi si Thurman nang mag-iba siya ng taktika.

Pero sa huli ay namayani pa rin daw ang eksperyansa at pagiging beterano ng fighting senator.

Sa kabuuan, tinawag din ni Donaire ang panonood niya ng laban sa MGM Grand Garden Arena bilang “amazing fight.”

Naniniwala naman ang isa pang dating kampeon na si Victor Ortiz na hind dapat split decision ang panalo ni Pacquiao kundi unanimous decision.

Nagbigay pugay naman si Ortiz sa excellent condition ng dalawang kampeon.

Bago pa man ang laban, nakapanyam ni Bombo international correspondent Ponciano “John” Melo si Ortiz at hinulaan din niya ang panalo ng Pambansang Kamao.