-- Advertisements --

Desidido ang 40-anyos na The Filipino Flash Nonito Donaire Jr na maging pinakamatandang bantanweight champion sa buong mundo sa paghaharap niya Alejandro Santiago ng Mexico.

Nakatay sa laban na gaganapin bukas sa Las Vegas ang WBC Bantamweight belt.

Sa ginawang weigh-in na mayroong 118 lbs. catch weight ay tumimbang ang Pinoy boxer ng 117.1 lbs. habang mayroong 117.5 lbs. naman si Santiago.

Sa nasabing laban ay susubukan ni Donaire na basagin ang sarilng record na oldest bantamweight title holder sa kasaysayan ng boksing kung saan noong 38-anyos pa lamang kasi ito ay pinatumba niya si Nordine Oubaali sa ikaapat na round noong Mayo, 2021.

Mayroong record si Donaire na 42 panalo, pitong talo at 28 knockouts habang si Santiago ay mayroong 27 panalo tatlong talo na mayroong 14 na knockouts.