-- Advertisements --
Isinasapinal na ni Filipino boxing champion Nonito Donaire Jr ang laban nito sa daratin ng Disyembre.
Makakaharap nito ang WBC mandatory challenger at kasalukuyang interim champion na si Raymart Gaballo ng Polomok, Mindanao.
Sa Disyembre 11 ang napiling petsa pero hindi pa ito aniya pinal hanggang hindi pa napipirmahan ang kontrata.
Noong nakaraang Disyembre kasi ay nakansela ang laban ng tinaguriang “The Filipino Flash” kay WBC champion Nordine Oubaali dahil sa COVID-19 testing issue.
Hindi rin natuloy ang laban nito kay John Riel Casimero matapos ang argumento sa testing at “word war” ng magkabilang kampo.