-- Advertisements --
Itinanggi ng kampo ni Nonito Donaire Jr ang alegasyon ni kapwa Pinoy boxer na si John Riel Casimero na wala silang ginagawang hakbang para matuloy na ang laban nila.
Sinabi ng “The Filipino Flash” na pawang kasinungalingan ang pinagsasabi sa social media ni Casimero.
Dagdag pa nito na pagdedesisyunan pa ng kaniyang promoter na si Richard Schaefer at si MP Promotions President Sean Gibbons ang posibleng harapan.
Magugunitang nakatakdang magharap sana ang dalawang boksingero ngayong buwan subalit kinansela ito ni Donaire dahil sa ginawang pang-aalipusta umano ni Casimero sa asawa nito.
Si Casimero naman matapos ang panalo kontra kay Cuban veteran Guillermo Rigondeaux ay haharapin naman ang Japanese superstar na si Naoya Inoue.