GENERAL SANTOS CITY – Binigyang linaw ni Nonito Doinare Sr., Ama ni dating Bantamweight world champion Nonito “the Filipino Flash” Donaire Jr. ang kaugnay sa posibleng paghaharap ni GenSan boxer Reymart Gaballo at ng anak nitong si Nonito Doinare Jr.
Ito ay matapos isuko ni Naoya Inoue ang kanyang bantamweight belts.
Dagdag pa ni Donaire Sr. na nagsasanay na sila ni Gaballo dito sa lungsod ng GenSan upang paghandaan ang susunod na engkuwentro nito.
Habang sinabihan naman siya ng kanyang anak na magpapayat raw ito upang hindi makalaban si Gaballo.
Sa paglilinaw ni Donaire Sr., kung sino man ang manalo sa labang Reymart Gaballo at Nawaphon Kaikanha ay labanan nito kung sino rin ang mananalo sa labang Nonito Donaire Jr. at Alexandro Santiago.
Kung matatandaan ay tinalo ni Donaire Jr. si Gaballo via knockout sa kanilang paghaharap noong 2021.