Matutupad na ang kahilingan ni reigning WBA (Super) Bantamweight World Champion Nonito “The Filipino Flash” Donaire na makaharap si undefeated Japanese star Naoya Inoue sa finals ng World Boxing Super Series Bantamweight Tournament.
Magugunita na matapos niyang manalo sa WBSS Bantamweight Tournament semifinals kontra Stephon Young noong Abril, sinabi ni Donaire na ibig niyang makalaban ang Japanese star sa finale ng naturang tournament.
Ang 26-anyos na si Inoue (18-0, 16 KO), na kasalukuyang may hawak ng WBA (Regular) at IBF Bantamweight World Championships, nangailangan lamang ng dalawang rounds para dispatsahin si former IBF titleholder Emmanuel Rodriguez sa kanilang WBSS Bantamweight Tournament semifinal ngayong araw sa Glasgow, Scotland.