Naghahanda na si four-time world champion Nonito Donaire Jr para sa laban nito kay Nordine Oubaali ng France para sa World Boxing Council (WBC) bantamweight championship.
Itinakda ang nasabing laban Mohegan Sun Casino sa Connecticut sa Disyembre 12.
Ito ang unang laban ng 37-anyos na si Donaire matapos ang isang taon ng mabigo ito sa pamamagitan ng unanimous decision kay Naoya Inoue ng Japan sa kanilang unification match.
Tinanghal ang nasabing laban bilang 2019 fight of the Year.
Habang ang mas bata ng apat na taon na si Oubaali ay siyang magiging ikatlong pagdepensa matapos ang unanimous decision na panalo kay Takuma Inoue.
Napanatili nitoa ang kaniyang WBC belt laban sa isang Pinoy boxer na si Arthur Villanueva na kaniyang pinatulog sa loob ng ika-pitong round sa Kazakhstan noong nakaraang taon.