-- Advertisements --
Handang harapin ni Nonito Donaire si dating pound-for-pound king Roman Gonzalez ng Nicaragua.
Sinabi ng tinaguriang Filipino Flash, tatapusin muna niya ang laban kay Nordine Oubaali ng France sa buwan ng Disyembre bago ito bababa sa junior bantamweight para harapin si Gonzalez.
Tiyak aniyang magiging maganda ang laban nilang dalawa pag natuloy ito.
Ilan din sa mga posibleng kalaban para sa junior bantamweight ay sina Juan Francisco Estrada ng Mexico, Kazuto Ioka ng Japan, Srisaket Sor Rungvisai ng Thailand at kapwa Filipino na si Jerwin Ancajas.