-- Advertisements --

Balak susugan ni Nonito “The Filipino Flash” Donaire ang ginagawa ni Sen. Manny Pacquiao na lumalaban pa rin kahit 40-anyos na.

Matatandaang tinalo at naagaw pa ni Pacman ang WBA super welterweight belt ni Keith Thurman na 30-anyos lamang o mas bata pa ng 10 taon.

Ayon kay Donaire na ngayon ay 37-anyos na, sisikapin niyang marating ang kondisyon ng fighting senator sa sarili nitong paraan.

Ang Filipino Flash ay naghahanda para sa magiging laban kay Naoya Inoue para sa WBA super bantamweight crown.