Kumpiyansa umano si WBA bantamweight champion Nonito Donaire na makakapagtala ito ng knockouot victory kontra kay WBO bantamweight beltholder Zolani Tete sa kanilang bakbakan sa Abril 27 sa Cajundome sa Lafayette, Louisiana.
Ayon kay Donaire, hindi na raw nito hahayaang scorecards ang magdikta ng resulta ng kanilang laban kaya hangga’t maaari ay patutulugin nito nang maaga si Tete.
Ipinagmalaki rin ng 36-year-old Talibon, Bohol native na na-fine tune na rin daw niya ang kanyang lakas at bilis para sa boxing match.
Ang sinumang magwawagi sa sagupaan ay uusad sa final round ng World Boxing Super Series tournament.
Noong Nobyembre nang ginulantang ni Donaire si Ryan Burnett sa pamamagitan ng isang technical knockout sa fourth round, dahilan para mahablot nito ang kanyang kasalukuyang titulo.