-- Advertisements --
Nakatuon na ngayon ang atensiyon ni Filipino WBC Bantamweight World champion Nonito Donaire Jr na makaharap muli si Japanese unified bantamweight champion Naoya Inoue.
Ito ang naging pahayag ng “The Filipino Flash” matapos ang matagumpay na pagdepensa ng kaniyang titulo laban kay Reymart Gaballo.
Pinatumba kasi ni Donaire si Gaballo sa loob lamang ng ikaapat na round kung saan natikman nito ang unang pagkatalo.
Matapos ang panalo ni Donaire ay bumuhos ang pagbati mula sa kaniyang mga fans at kapwa boksingero.
Dagdag pa ng 39-anyos na si Donaire na napag-aralan nilang mabuti ang kahinaan ng kalaban na ang tinarget ay ang kaniyang katawan.
Magugunitang itinuturing ang laban ni Donaire kay Inoue bilang 2019 fight of the year.