-- Advertisements --

Hindi mamamaliitin ni dating four-division champion Nonito Donaire ang kanyang bagong makakalaban.

Nakatakda kasing makalaban nito si dating IBF bantamweight champion Emmanuel Rodriguez ng Puerto Rico sa Disyembre 16.

Unang plano na makaharap sana nito ay si Nordine Oubaali para sa WBC bantamweight title subalit ito ay nadapuan ng COVID-19.

Ayon sa The Filipino Flash, na hindi niya maaaring maliitin ang nasabing kalaban niya.

Dahil aniya sa bagong kalaban ay gagawa na sila agad ng bagong game plan.

Kasalukuyang nasa Las Vegas ngayon si Donaire at doon nagte-training