Nakatutok sa game plan pa rin si Super WBA bantamweight champion Nonito Donaire Jr sa laban niya kay Naoya Inoue sa darating na Nobyembre 7 .
Nasa pang-huling stage na ng ensayo ang 36-anyos na boksingero para sa pakikipagsagupa para sa World Boxing Super Series na gaganapin sa Saitama Arena.
Ibinunyag naman nito na hindi pa niya napapanood ang laban ng Japanese boxer at ang nanonood lamang ay ang kaniyang chief trainer na si Kenny Adams at ama.
Aniya, ang depensa ang siyang magiging kahinaan ng Japanese boxer.
Nakatakdang bumiyahe naman sa Japan si Donaire sa darating na Nobyembre 7.
May record si Inoue na 18 panalo at walang talo kung saan mayroon itong 16 knockouts habang si Donaire ay mayroong 40-5 win loss records na mayroong 26 vis knockouts.