-- Advertisements --
Hindi pa rin nawawala sa listahan ni Filipino boxer Nonito Donaire Jr si Naoya Inoue.
Ayon sa tinaguriang “The Filipino Flash” na pinaghahandaan niya ang muling paghaharap nilang dalawa.
Hindi rin ito nababahala kahit na mas bata ng 10 taon ang Japanese boxer.
Magugunitang nabigo si Donaire sa unang paghaharap nila ni Inoue noong 2019.
Nakatakda namang labanan ni Donaire si Emmanuel Rodriuez ng Puerto Rico sa Disyembre 19 na gaganapin sa Uncasville, Connecticut.