Tinanggal na ng Philippine Taekwondo Association (PTA) si Donald David Geisler bilang kanilang miyembro.
Ito ay may kaugnayan sa online Zoom classes niya kasama ang ilang miyembro ng national team noong Hunyo.
Sa 12 pahina na inilabas ng PTA, bukod sa pagtanggal sa kaniyang membership ay idinedeklara siya bilang persona non grata.
Ang nasabing desisyon ay ipinatupad ng sanction committee na pinamunuan ni Manolo Gabriel.
Ayon sa PTA na ang ginawa ni Geisler ay walang paalam sa kanila.
Sa panig naman ni Giesler na ang desisyon na ito ng PTA ay walang basehan.
Hindi aniya ito hihinto hanggang makuha niya ang hustisya.
Magugunitang binatikos noon ni Giesler ang PTA dahil sa hindi nila pagpayag sa national players na makibahagi sa kaniyang online class kung saan iniakyat pa nito ang reklamo sa Philippine Competition Commission.