Diniskwalipika ng estado ng Maine si United States presidential candidate Donald Trump sa balota para sa eleksyon sa pagkapangulo ng sa susunod na taon.
Ito ay sa kabila ng pagiging front-runner ni Trump presidential sa naturang estado.
Pinagbasehan ni Maine Secretary of State Shenna Bellows ang desisyon mula insidente ng atake sa U.S. Capitol Building sa Washington D.C. noong January 6, 2021, kung saan sangkot umano ang presidential candidate.
Ang nasabing atake ay dalawang buwan matapos mabigo si Trump sa re-election sa pagka-presidente.
Ang pagpapakalat din ng Republican candidate ng maling impormasyon noong 2020 elections ang pinagbasehan para sa diskwalipikasyon.
Nakasaad sa U.S. Constitution na maaaring tanggalin ang isang kandidato sa halalan kung naging sangkot ito sa pag-aaklas o rebelyon.
Ito na ang pangalawang estado sa U.S. na magtatanggal sa pangalan ni Trump sa eleksyon, kasunod ng kaparehong desisyon ng Colorado noong December 19.
Si Trump ang unang presidential candidate ng bansa na humarap sa diskwalipikasyon dahil sa kaso ng pag-aaklas.
Nasa proseso na rin ng paghahain ng apela laban sa Republican candidate ang ilan pang mga lugar sa Estados Uñidos.
Samantala, handa namang maghain ng pagtutol ang kampo ni Trump laban sa mga haharang sa muli niyang pagtakbo sa pagkapangulo.