Matapang na hinamon ng Republican presidential candidate na si Donald Trump si US President Joe Biden ng debate ilang buwan na lamang bago ang inaabangang 2024 US Presidential election.
Ginawa ni Trump ang naturang hamon ilang oras matapos na tuluyan ng umatras ang karibal nito na si Nikki Haley bilang Republican candidate sa halalan.
Ayon kay Trump, handa siyang humarap sa TV forum kasama ang Democratic president na si Biden saanman at anumang oras.
Mahalaga din aniya para sa ikabubuti ng Amerika na magdebate sila ni Biden sa mga isyu na mahalaga sa US at sa mamamayan nito.
Maaari din aniyang pangunahan ito ng Democratic National Committee o Commission on Presidential Debates na siyang namahala sa mga presidential debates sa nakalipas na 30 taon.
Binanatan naman ni Biden si Trump na uhaw daw sa atensiyon at nahihirapang palawakin ang kaniyang appeal.
Sa kasalukuyan, wala pang napagkasunduang debate sa pagitan ng 2 bago ang nakatakdang halalan na idaraos sa Nobiyembre ng kasalukuyang taon.