-- Advertisements --
Nagpositibo sa coronavirus ang anak ni US President Donald Trump na si Donald Jr.
Ayon sa tagapagsalita nito, nagsimula na siyang mag-quarantine matapos na lumabas ang resulta.
Wala aniya itong sintomas o asymptomatic siya at sinusunod lamang niya ang COVID-19 guidelines sa nag-quarantine.
Magugunitang noong nakaraang mga linggo ay nagpositibo sa COVID-19 ang US President at si First Lady Melania Trump na sinundan ng kaniyang bunsong anak na si Barron kasama ang chief of staff nito na si Mark Meadows.
Maging ang kasintahan ni Trump Jr. na si Kimberly Guilfoyle ay nagpositibo rin sa COVID-19 bago ang pagsisimula ng election campaign.