Nanawagan si United Stated of America presidential candidate Donalad Trump kay U.S. President Joe Biden na palayain na ang mga nabilanggo sa Capitol attack noong January 6, 2021.
Isinagawa ni Trump ang naturang speech, isang araw matapos ikonsidera ng U.S. Supreme Court ang pagpapatanggal sa kanya sa balota ng Colorado para sa presidential elections.
Tinawag ng dating U.S. president ang mga inaresto sa nasabing pag-atake bilang hostages na nasa ilalim ng pamamahala ni Biden.
Kung babalikan, halos 1,200 na tao na sangkot sa U.S. Capitol attack ang pinagmulta ng gobyerno.
700 naman ang guilty sa mga mabababaw na kaso, habang 100 ang nahatulan sa bench trials sa Washington D.C.
Dismayado naman si dating Republican Rep. Liz Cheney sa pagtawag ni Trump na “hostages” sa mga arestado.
Ayon sa kanya, ang mga binitiwang salita ng Republican presidential candidate ay nagpapakita ng pagsasalungat sa law enforcement ng estado.
140 na kapulisan ang nakaranas ng assult, habang 6 naman na awtoridad ang namatay sa U.S. Capitol attack, base sa tala.
Samantala, mahigit sa tatlong tumakas na sangkot din sa riot ang pinaghahanap pa rin ngayon ng pulisya.